Thursday, October 25, 2012

Bakit dapat may teleseryeng tungkol sa ampon, hindi-ko-siya-gusto-dahil-mahirap-siya, at ang straight na buhok ng bida at kulot na kontrabida?


Isa ka na siguro sa maraming katulong na ginawang bisyo ang panonood ng teleserye. Hindi ka siguro katulong pero Pinoy ka naman, kaya ang gabi mo ay nababalot ng kwentong hindi matapos tapos dahil hindi pa nakakaganti ang bida. Iba-iba ang daloy ng istorya na tanging sa Pilipinas mo lang makikita:


1. Ang sumpa ng pansit- darating ang bida na may dalang pansit at makikita niyang patay na ang kanyang kamag-anak o kapamilya.


2. May pangit na bida pero laging maganda ang leading lady.


3. May sindikatong nakatira sa malaking mansion na may pool na puno ng nakabikini na mga babae.

4. Ampon lang pala si bida o kaya si kontrabida.


5.Kulot at nakamake-up lagi ang kontrabida habang si bida ay stress na stress na labandera na nakatira sa squatter.


6. May sasayaw sa beach sa bandang huli bilang selebrasyon dahil buhay pa ang mga bida pagkatapos kidnapin sa isang malaking warehouse.


7. May isang mayamang magulang na ayaw ng mahirap na babae para sa kanyang anak.


8. May batukan, magfafast motion, may banggaan, may masusunog o kaya mabibitay para nakakatawa tignan pero hindi sila mamamatay dahil meron pa silang panibagong aksidente na haharapin sa susunod na eksena.


9. Sasali ang mga batang bida na hindi alam kung saan galing ang kanilang lakas laban sa maraming bandido na may baril.


10. May masungit na landlady na nadadala sa pang-uuto ng mga gwapong boarders.


Ilan lang yan sa libu-libong Filipino film identity.


Bakit nga ba mahilig tayo sa mga ganito? Ang pinoy mahilig sa aksyon, gusto nila nagugulat sila kaya ano ano nalang ang ginagawang ugat ng problema (pwedeng dahil sa lindol kaya nagpalit ang dalawang sanggol sa hospital, dahil natapon ang bag na may mahalagang laman sa sasakyan ng bida o kaya dahil sa libro na nahulog at kinuha ng dalawang tao na hindi dapat magtagpo) Creative ang pinoy, pinakikinabangan lahat ng bagay sa mundo. Mahilig tayo sa sampalan o tarayan pero bago yan dapat requirement muna na masasaktan ang bida sa pang-aapi ng kontrabida. Mahilig tayo sa gantihan ng sampal o kaya gantihan ng linya. Mahilig tayo sa comedy na pisikal. Bakit nga ba? Ang mga pilipino kasi ay emosyonal, gusto nila all-in-one ang teleserye.


Pero higit sa lahat, ang panonood ng teleserye ay ang makabagong paraan ng pagbabasa ng pocketbook. Gusto ng pinoy na makita ang buhay ng isang tao at ang tagumpay nito. Gusto nila makita ang pagbabago ng karakter at ang twist sa istorya- ito ang dahilan bakit gabi gabi nakakatutok ang mga manonood. Gusto ng film industry ang konsepto ng "ay! nakakabitin" dahil dito magsisimula ang kagustuhan ng manonood na subaybayan ang serye. Kapag maraming problema o kapamahakan, mas gaganahan ang mga Pinoy. Halimbawa, ampon lang pala si bida- ang pagiging ampon ang nagpapahaba ng serye na ito at ang nagpapagana sa mga manonood dahil ibubunyag lang naman ang katotohanan sa huli. Hanggang sa malaman ng bida na ampon siya, ay bitin ang istorya.


Ang konsepto ng "langit ka, lupa lang ako" ay ang klarong dibisyon ng mayaman at mahirap sa serye o sa pelikula. Ibibigay ng direktor ang lahat ng makakapigil sa dalawang tao na nagmamahalan para mas lalong tumindi ang istorya. Dapat maganda sa unang bahagi ng serye o pelikula ang kontrabida para maipakita ang dominasyon nito sa bida para lalong kamuhian siya ng mga manonood. Dapat hindi muna masyadong blooming ang bida para kaawaan siya ng mga manonood. In this way, ang sympathy ng mga viewers ang magiging rason upang subaybayin nila ang kwento ng bida.



Maraming dahilan, pero ito pa rin ang kaugalian. Gusto ng pinoy ang mga ganitong istorya dahil swak ito sa uri ng emosyon meron ang mga pilipino- naaawa tayo sa taong ginugulpi. Sa Amerika, hindi nila masyadong gusto ang martyr na bida dahil siguro sa kultura nila na maging liberated kahit mahirap ka lang. Walang masama sa mga dahilan kung bakit natin to gusto dahil culture identity natin to. Siguro marami na ngayon ang binalewala na ang mga pelikula o serye na gawang pinoy dahil sa impluwensya ng ibang bansa, pero iba pa ring masaksihan mo ang luha ng mga ordinaryong tao kagaya ng katulong mo, kapitbahay, labandera, mga chismosa, tambay o yun bang mga taong masaya na dahil sa pinanood nila. Isa ito sa mga sitwasyon kung saan nagkakaisa ang mga Pilipino, trending ang istorya ng teleserye lalo na pag huling dalawang araw nalang.






0 comments:

Post a Comment

Text

Followers