Thursday, October 25, 2012

bakit nga ba dapat may matirang isang pirasong pagkain??

Hayan, kainan na. Syempre, kapag pinoy, dapat yong pwedeng ma-share (11inches pizza, sandamakmak na junkfood, at least isang kilong spaghetti) pero kahit isang burger lang yan- mag-mumultiply yan na para bang mirakulo ni Hesus. Ngayon, hihingi ang kasama mo (isang kagat) tapos mapapasa yan sa isa mo pang kasama hanggang sa ang makain mo ay isang kagat nalang din. Mas masarap daw kasi yong libreng pagkain. Pero kapag kainan dito sa Pilipinas, bawal kainin ang huling piraso- parang sumpa kung ituring, isang tradisyon na hindi dapat basagin. Bakit nga ba ayaw kainin ni Juan ang huling piraso? may lason? may kahihiyan? nagmamadali? Maraming dahilan. Pero ayon sa kathang-isip na survey, may ugali ang mga pinoy na kong tawagin ay "hindi-ako-matakaw-at-may-hiya-ako". Ayaw ni Juan na tawagin na matakaw dahil siya ang huling kumain. Ayaw niyang isipin ng iba na siya ang nakaubos ng pagkain. Nahihiya siyang kumuha sa huling piraso dahil hindi naman siya ang bumili pero siya ang mas may maraming nakain. Ang gulo ng subconscious ni Juan. Pero, mas magulo ang maraming kamay na gumagahasa sa Chippy. Para sa iba, ang huling piraso ang pinakamarumi. Ito ay dumaan na sa maraming kamay at walang-awang binalewala ng mapiling tagapagkain (depende sa uri ng pagkain) Para naman sa iba, ang huling piraso ang wala ng kwenta- dahil busog na lahat. Kahit anong dahilan, ito pa rin ay nanatiling kaugalian. Hindi naman lahat ay ganito- hindi ito uso sa nag-didiet o sa taong sobrang yaman o kaya sa taong walang kabusogan. Pinoy nga naman.

0 comments:

Post a Comment

Text

Followers